-
Juan 4:49-51Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
49 Sinabi ng opisyal ng hari: “Panginoon, sumama ka na sa akin bago pa mamatay ang anak ko.” 50 Sinabi ni Jesus: “Umuwi ka na; magaling na ang anak mo.”+ Pinaniwalaan ng lalaki ang sinabi ni Jesus, at umuwi siya. 51 Habang nasa daan pa siya, sinalubong siya ng mga alipin niya para sabihing magaling na ang anak niya.
-