Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 53:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Pero kalooban ni* Jehova na maghirap siya, at hinayaan Niyang magdusa siya.

      Kung ibibigay mo ang buhay* niya bilang handog para sa pagkakasala,+

      Makikita niya ang mga supling* niya, mapahahaba niya ang buhay niya,+

      At sa pamamagitan niya ay magtatagumpay ang kinalulugdan* ni Jehova.+

  • Daniel 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 “May 70 linggo* na itinakda para sa iyong bayan at banal na lunsod,+ para wakasan ang pagsuway, tapusin ang kasalanan,+ magbayad-sala para sa pagkakamali,+ maghatid ng walang-hanggang katuwiran,+ tatakan ang pangitain at hula,*+ at atasan* ang Banal ng mga Banal.*

  • Mateo 20:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Kung paanong ang Anak ng tao ay dumating, hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod+ at ibigay ang buhay* niya bilang pantubos na kapalit ng marami.”+

  • Galacia 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Binili tayo ni Kristo+ at pinalaya+ mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay maging isang sumpa sa halip na tayo, dahil nasusulat: “Isinumpa ang bawat tao na nakabitin sa tulos.”+

  • Tito 2:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 habang hinihintay natin ang kamangha-manghang pag-asa*+ at ang maluwalhating paghahayag ng dakilang Diyos at ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Kristo, 14 na nagbigay ng sarili niya+ para mapalaya* tayo+ sa lahat ng uri ng kasamaan at para dalisayin ang isang bayan na espesyal niyang pag-aari at buong pusong gumagawa* ng mabuti.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share