7 Dinala nila ang asno at ang bisiro nito, at ipinatong nila sa mga ito ang mga balabal nila, at umupo siya sa mga iyon.+8 Inilatag ng karamihan sa mga tao ang mga balabal nila sa daan;+ ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga puno at inilatag nila ang mga ito sa daan.
14 Nang makakita si Jesus ng isang batang asno, sumakay siya rito,+ gaya ng nasusulat: 15 “Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion. Tingnan mo! Ang iyong hari ay dumarating na nakasakay sa bisiro* ng isang asno.”+