-
Juan 2:14-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng baka, tupa, at kalapati,+ pati na ang nakaupong mga nagpapalit ng pera. 15 Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid at pinalayas sa templo ang lahat ng nagtitinda ng tupa at baka, at ibinuhos niya ang mga barya ng mga nagpapalit ng pera at itinaob ang mga mesa nila.+ 16 Sinabi niya sa mga nagtitinda ng kalapati: “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag na ninyong gawing lugar ng negosyo* ang bahay ng aking Ama!”+
-