-
Lucas 5:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 At may dumating na mga lalaking buhat ang isang paralitiko na nasa higaan, at sinisikap nilang makapasok at mailapit siya kay Jesus.+ 19 Pero nahihirapan silang maipasok siya dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong, inalis ang mga tisa nito, at ibinaba ang higaan ng lalaki sa gitna ng mga tao, sa harap ni Jesus.
-