-
Lucas 20:45-47Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
45 Pagkatapos, habang nakikinig ang lahat ng tao, sinabi niya sa mga alagad niya: 46 “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na gustong magpalakad-lakad na nakasuot ng mahahabang damit. Gusto nilang binabati sila ng mga tao sa mga pamilihan, at gusto rin nilang umupo sa pinakamagagandang puwesto sa* mga sinagoga at sa mga upuan para sa importanteng mga bisita sa mga handaan.*+ 47 Kinakamkam nila ang mga pag-aari* ng mga biyuda at nananalangin nang mahaba para pahangain ang iba. Tatanggap sila ng mas mabigat na hatol.”
-