23 Kaawa-awa ang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng sanggol sa mga araw na iyon!+ Dahil magkakaroon ng matinding paghihirap sa lupain, at paparusahan ang bayang ito.
28 Lumingon si Jesus sa mga babae, at sinabi niya: “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag na kayong umiyak para sa akin. Umiyak kayo para sa inyong sarili at sa inyong mga anak;+