-
Mateo 26:6-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Habang si Jesus ay nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin,+ 7 isang babae na may dalang mamahalin at mabangong langis na nasa boteng alabastro* ang lumapit sa kaniya, at ibinuhos nito ang langis sa ulo niya habang nakaupo siya para kumain.* 8 Nang makita ito ng mga alagad, nagalit sila at sinabi nila: “Bakit siya nag-aaksaya? 9 Puwede sanang ipagbili iyan sa malaking halaga at ibigay ang pera sa mahihirap.”
-
-
Juan 12:2-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Kaya naghanda sila ng hapunan para sa kaniya, at si Marta ang nagsisilbi ng pagkain sa kanila,+ habang si Lazaro ay isa sa mga kumakaing* kasama niya. 3 At kumuha si Maria ng isang libra* ng mabangong langis na gawa sa nardo,* puro at napakamamahalin, at ibinuhos iyon sa mga paa ni Jesus at pinunasan ang mga paa nito ng kaniyang buhok. Amoy na amoy sa buong bahay ang mabangong langis.+ 4 Pero sinabi ni Hudas Iscariote,+ isa sa mga alagad niya at malapit nang magtraidor sa kaniya: 5 “Bakit hindi na lang ipinagbili ang mabangong langis na ito sa halagang 300 denario* at ibinigay sa mahihirap?”
-