-
Mateo 26:55, 56Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
55 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tao: “Magnanakaw ba ako at may dala pa kayong mga espada at pamalo para arestuhin ako? Araw-araw akong nakaupo noon sa templo at nagtuturo,+ pero hindi ninyo ako hinuhuli.+ 56 Pero ang lahat ng ito ay nangyari para matupad ang isinulat* ng mga propeta.”+ At tumakas ang lahat ng alagad at iniwan siya.+
-
-
Lucas 22:52, 53Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
52 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga punong saserdote, sa mga kapitan ng mga bantay sa templo, at sa matatandang lalaki na pumunta roon para hulihin siya: “Magnanakaw ba ako at may dala pa kayong mga espada at pamalo?+ 53 Nakikita ninyo ako sa templo araw-araw,+ at hindi ninyo ako hinuhuli.+ Pero ito na ang pagkakataon* ninyo at oras na para manaig ang kadiliman.”+
-