-
Mateo 9:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Pagkatapos, habang kumakain siya* sa bahay, maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ang dumating at kumaing* kasama ni Jesus at ng mga alagad niya.+ 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa mga alagad niya: “Bakit kumakain ang guro ninyo kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”+
-
-
Lucas 5:29, 30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Pagkatapos, naghanda si Levi ng isang malaking salusalo sa bahay niya para kay Jesus, at maraming maniningil ng buwis at iba pa ang kumakaing* kasama nila.+ 30 Dahil dito, nagbulong-bulungan ang mga Pariseo at mga eskriba nila at sinabi sa mga alagad niya: “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”+
-