30 Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng tao, at ang lahat ng tribo sa lupa ay magdadalamhati,*+ at makikita nila ang Anak ng tao+ na dumarating na nasa mga ulap sa langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.+
64 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ikaw na ang nagsabi. Pero sinasabi ko sa inyo: Mula ngayon ay makikita ninyo ang Anak ng tao+ na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan-sa-Lahat*+ at dumarating na nasa mga ulap sa langit.”+
7 Tingnan ninyo! Dumarating siya na nasa mga ulap,+ at makikita siya ng bawat mata, at ng mga sumaksak sa kaniya; at susuntukin ng lahat ng tribo sa lupa ang dibdib nila sa pagdadalamhati dahil sa kaniya.+ Oo, Amen.