-
Lucas 23:20-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Nagsalitang muli si Pilato sa harap nila dahil gusto niyang palayain si Jesus.+ 21 Pero sumigaw sila: “Ibayubay* siya sa tulos! Ibayubay siya sa tulos!”+ 22 Sinabi niya sa kanila sa ikatlong pagkakataon: “Bakit? Ano ba ang ginawang masama ng taong ito? Wala akong makita sa kaniya na karapat-dapat sa kamatayan; kaya paparusahan ko siya at palalayain.” 23 Dahil dito, lalo pa silang naging mapilit at isinisigaw nilang patayin siya,* at nangibabaw ang boses nila.+ 24 Kaya nagpasiya si Pilato na ibigay ang hinihiling nila. 25 Pinalaya niya ang lalaking gusto nilang palayain, na ibinilanggo dahil sa sedisyon at pagpatay, pero ibinigay niya sa kanila si Jesus para gawin ang gusto nila.
-