-
Mateo 27:33-37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 At nang makarating sila sa isang lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay Bungo,+ 34 binigyan nila si Jesus ng alak na hinaluan ng mapait na likido para inumin;+ pero nang matikman niya ito, tumanggi siyang uminom. 35 Nang maipako na nila siya sa tulos, pinaghati-hatian nila ang damit* niya sa pamamagitan ng palabunutan,+ 36 at naupo sila habang binabantayan siya. 37 Gumawa rin sila ng paskil at inilagay ito sa ulunan niya. Nakasulat doon ang akusasyon sa kaniya: “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Judio.”+
-