-
Mateo 9:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit, dahil kapag umurong ang bagong tela, mababatak nito ang tinagpian at lalong lálaki ang punit.+ 17 Wala rin namang taong naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kapag ginawa ito ng isa, puputok ang sisidlan, matatapon ang alak, at hindi na magagamit ang sisidlan. Kaya inilalagay ng mga tao ang bagong alak sa bagong sisidlang balat, at pareho itong nagtatagal.”
-
-
Lucas 5:36-38Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 Nagbigay rin siya ng isang ilustrasyon sa kanila: “Walang sinuman ang gumugupit ng panagpi mula sa isang bagong damit at itinatahi ito sa isang lumang damit. Kung gagawin ito ng isa, matatastas ang panagpi; isa pa, hindi rin ito babagay sa luma.+ 37 Wala ring taong naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kapag ginawa niya ito, papuputukin ng bagong alak ang sisidlang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlang balat. 38 Kaya sa bagong sisidlang balat dapat ilagay ang bagong alak.
-