-
Exodo 26:31-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 “Gagawa ka ng isang kurtinang+ hinabi gamit ang asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, at magandang klase ng pinilipit na lino. Buburdahan mo iyon ng mga kerubin. 32 Isasabit mo iyon sa apat na haliging yari sa akasya at binalutan ng ginto. Ang mga kawit nito ay dapat na yari sa ginto. Ang mga haligi ay ipapatong sa apat na may-butas na patungang yari sa pilak. 33 Isasabit mo ang kurtina sa ilalim ng mga pangawit at dadalhin mo ang kaban ng Patotoo+ sa loob ng kurtina. Ang kurtina ang magsisilbing dibisyon ng Banal+ at ng Kabanal-banalan.+
-