Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 21:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 “Kung ang isang lalaki ay makagawa ng kasalanang nararapat sa kamatayan+ at patayin siya at ibitin sa tulos,+ 23 ang katawan niya ay hindi dapat manatili nang magdamag sa tulos.+ Siguraduhin ninyong mailibing siya sa araw na iyon, dahil ang taong ibinitin ay isinumpa ng Diyos,+ at hindi ninyo dapat parumihin ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova bilang mana.+

  • Mateo 27:57, 58
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 57 Nang dapit-hapon na, may dumating na isang taong mayaman mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose at naging alagad din ni Jesus.+ 58 Ang taong ito ay pumunta kay Pilato at hiningi ang katawan ni Jesus.+ Kaya iniutos ni Pilato na ibigay iyon sa kaniya.+

  • Lucas 23:50-52
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 50 At naroon ang lalaking si Jose, na miyembro ng Sanggunian.* Isa siyang mabuti at matuwid na tao.+ 51 (Hindi siya pumayag* sa pakana nila at hindi niya sila sinuportahan.) Mula siya sa Arimatea, isang lunsod ng mga Judeano, at hinihintay niya ang Kaharian ng Diyos. 52 Pumunta siya kay Pilato at hiningi ang katawan ni Jesus.

  • Juan 19:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 Pagkatapos, si Jose ng Arimatea ay humingi ng pahintulot kay Pilato na makuha ang katawan ni Jesus. Alagad siya ni Jesus, pero inilihim niya ito dahil sa takot sa mga Judio.+ Pinahintulutan siya ni Pilato kaya pumunta siya at kinuha niya ang katawan ni Jesus.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share