Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 12:1-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Isang araw ng Sabbath, dumaan si Jesus sa gitna ng bukid. Nagutom ang mga alagad niya at namitas ng mga uhay ng butil at kumain.+ 2 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kaniya: “Ipinagbabawal kapag Sabbath ang ginagawa ng mga alagad mo.”+ 3 Sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Hindi ba pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain nila ang mga tinapay na panghandog,*+ na hindi niya puwedeng kainin o ng mga kasama niya, dahil para lang iyon sa mga saserdote?+ 5 O hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan na kapag Sabbath, ang mga saserdote sa templo ay nagpapatuloy sa gawain nila pero hindi sila nagkakasala?+ 6 Sinasabi ko sa inyo, mas dakila kaysa sa templo ang narito.+ 7 Kung naintindihan ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang gusto ko ay awa+ at hindi hain,’+ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang-sala. 8 Dahil ang Anak ng tao ay Panginoon ng Sabbath.”+

  • Lucas 6:1-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Isang araw ng Sabbath, habang dumadaan siya sa gitna ng bukid, ang mga alagad niya ay pumipitas ng mga uhay ng butil+ at ikinikiskis ang mga ito sa mga kamay nila para kainin.+ 2 Kaya sinabi ng ilang Pariseo: “Bakit ninyo ginagawa ang ipinagbabawal kapag Sabbath?”+ 3 Pero sinabi ni Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, tinanggap ang mga tinapay na panghandog,* kinain ang mga iyon, at binigyan din niya ang mga lalaking kasama niya. Hindi iyon puwedeng kainin ng sinuman dahil para lang iyon sa mga saserdote.”+ 5 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Ang Anak ng tao ay Panginoon ng Sabbath.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share