5Si Naaman na pinuno ng hukbo ng hari ng Sirya ay isang kilalang lalaki. Mataas ang tingin sa kaniya ng panginoon niya, dahil sa pamamagitan niya ay pinagtagumpay* ni Jehova ang Sirya. Isa siyang magiting na mandirigma, pero may ketong siya.*
14 Kaya lumusong siya at lumublob sa Jordan nang pitong beses gaya ng sinabi ng lingkod ng tunay na Diyos.+ Pagkatapos, ang laman niya ay naging gaya ng laman ng isang bata,+ at naging malinis siya.+