-
Levitico 14:2-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 “Ito ang kautusan tungkol sa ketongin sa araw na ipahahayag siyang malinis, kapag dinala siya sa saserdote.+ 3 Ang saserdote ay pupunta sa labas ng kampo para suriin siya. Kung gumaling na ang ketongin, 4 uutusan siya ng saserdote na magdala ng dalawang buháy at malilinis na ibon, kahoy ng sedro, matingkad-na-pulang sinulid, at isopo para sa paglilinis sa kaniya.+
-
-
Levitico 14:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 “Sa ikawalong araw, kukuha siya ng dalawang malulusog na batang lalaking tupa, isang malusog na babaeng kordero*+ na hindi lalampas ng isang taóng gulang, tatlong-ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil,+ at isang takal na log* ng langis;+
-