Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 9:2-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralisado na nasa higaan. Nang makita ni Jesus ang pananampalataya nila, sinabi niya sa paralitiko: “Anak, lakasan mo ang loob mo! Pinatatawad na ang mga kasalanan mo.”+ 3 Nagbulong-bulungan ang ilan sa mga eskriba: “Namumusong* ang taong ito.” 4 Alam ni Jesus kung ano ang iniisip nila, kaya sinabi niya: “Bakit napakasama ng iniisip ninyo?+ 5 Alin ba ang mas madali, ang sabihing ‘Pinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing ‘Bumangon ka at lumakad’?+ 6 Pero para malaman ninyo na ang Anak ng tao ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa—” pagkatapos, sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, buhatin mo ang higaan mo, at umuwi ka.”+ 7 At bumangon siya at umuwi. 8 Nang makita ito ng mga tao, natakot sila, at pinuri nila ang Diyos, na nagbigay ng gayong awtoridad sa tao.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share