-
Juan 5:6-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Nakita ni Jesus ang lalaking iyon na nakahiga at alam niyang matagal na itong may sakit, kaya tinanong niya ito: “Gusto mo bang gumaling?”+ 7 Sumagot ang lalaki: “Ginoo, walang tumutulong sa akin na pumunta sa paliguan kapag gumalaw na ang tubig; tuwing pupunta ako, laging may nauuna sa akin.” 8 Sinabi ni Jesus: “Tumayo ka! Buhatin mo ang hinihigaan mo at lumakad ka.”+ 9 Agad na gumaling ang lalaki, at binuhat niya ang hinihigaan niya at naglakad.
Araw iyon ng Sabbath.
-