-
Mateo 7:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Kaya bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng kapatid mo, pero hindi mo nakikita ang troso* sa sarili mong mata?+ 4 O paano mo masasabi sa kapatid mo, ‘Hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ samantalang troso ang nasa sarili mong mata? 5 Mapagpanggap!* Alisin mo muna ang troso sa sarili mong mata para makita mo nang malinaw kung paano aalisin ang puwing sa mata ng kapatid mo.
-