-
Mateo 11:16-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 “Kanino ko ikukumpara ang henerasyong ito?+ Tulad ito ng mga bata na nakaupo sa pamilihan at sumisigaw sa mga kalaro nila: 17 ‘Tinugtugan namin kayo ng plawta, pero hindi kayo sumayaw; humagulgol kami, pero hindi kayo nagdalamhati.’* 18 Sa katulad na paraan, si Juan ay hindi kumakain o umiinom, pero sinasabi ng mga tao, ‘Siya ay may demonyo.’ 19 Ang Anak ng tao ay kumakain at umiinom,+ pero sinasabi ng mga tao, ‘Matakaw ang taong ito at mahilig uminom ng alak; kaibigan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan.’+ Pero ang karunungan ay makikita sa* gawa.”*+
-