Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 8:24-27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Pagkatapos, biglang nagkaroon ng malakas na bagyo sa lawa at natatabunan na ng mga alon ang bangka; pero natutulog siya.+ 25 At lumapit sila at ginising siya at sinabi: “Panginoon, iligtas mo kami, mamamatay na kami!” 26 Pero sinabi niya sa kanila: “Bakit takot na takot kayo? Bakit ang liit ng pananampalataya ninyo?”+ Pagkatapos, bumangon siya at sinaway ang hangin at ang lawa, at biglang naging kalmado ang paligid.+ 27 Kaya namangha ang mga alagad at nagsabi: “Sino ba talaga ang taong ito? Kahit ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kaniya.”

  • Marcos 4:37-41
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Biglang nagkaroon ng malakas na buhawi, at paulit-ulit na hinahampas ng mga alon ang bangka, kaya halos lumubog na ito.+ 38 Pero nasa bandang likuran ng bangka si Jesus at natutulog sa unan. Kaya ginising nila siya at sinabi sa kaniya: “Guro, bale-wala lang ba sa iyo na mamamatay na tayo?” 39 Kaya bumangon siya at sinaway ang hangin at sinabi sa lawa: “Tigil! Tumahimik ka!”+ At tumigil ang hangin, at biglang naging kalmado ang paligid. 40 Kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit takot na takot kayo? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?” 41 At kakaibang takot ang nadama nila, at sinabi nila sa isa’t isa: “Sino ba talaga siya? Kahit ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kaniya.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share