Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 17:1-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at si Santiago at ang kapatid nitong si Juan, at umakyat sila sa isang napakataas na bundok nang sila-sila lang.+ 2 At nagbago ang kaniyang anyo sa harap nila; suminag na gaya ng araw ang mukha niya, at nagningning* na gaya ng liwanag ang damit niya.+ 3 At nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4 Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Panginoon, mabuti at narito kami. Kung gusto mo, magtatayo ako rito ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” 5 Habang nagsasalita pa siya, isang maliwanag na ulap ang lumilim sa kanila, at isang tinig mula sa ulap ang nagsabi: “Ito ang Anak ko, ang minamahal ko at kinalulugdan.+ Makinig kayo sa kaniya.”+ 6 Nang marinig ito ng mga alagad, sumubsob sila sa lupa sa sobrang takot. 7 Lumapit sa kanila si Jesus, hinipo sila, at sinabi: “Tumayo kayo. Huwag kayong matakot.” 8 Pagtingala nila, wala silang ibang nakita kundi si Jesus.

  • Marcos 9:2-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan, at umakyat sila sa isang napakataas na bundok nang sila-sila lang. At nagbago ang kaniyang anyo sa harap nila;+ 3 at ang damit niya ay kuminang sa kaputian. Walang sinuman sa lupa ang makapagpapaputi sa damit nang gayon. 4 Nagpakita rin sa kanila sina Elias at Moises, at nakikipag-usap ang mga ito kay Jesus. 5 Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Rabbi, mabuti at narito kami. Puwede ba kaming magtayo ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias?” 6 Ang totoo, hindi alam ni Pedro kung ano ang sasabihin niya, dahil takot na takot sila. 7 At isang ulap ang nabuo at lumilim sa kanila. Pagkatapos, isang tinig+ mula sa ulap ang nagsabi: “Ito ang Anak ko, ang minamahal ko.+ Makinig kayo sa kaniya.”+ 8 At pagtingin nila sa paligid, si Jesus na lang ang nakita nila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share