Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 17:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sinabi ni Jesus: “O henerasyong walang pananampalataya at makasalanan,+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya dito sa akin.” 18 Pagkatapos, sinaway ni Jesus ang demonyo, at lumabas ito sa batang lalaki, at gumaling ang bata nang mismong oras na iyon.+

  • Marcos 9:19-27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Sinabi niya sa kanila: “O henerasyong walang pananampalataya,+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya sa akin.”+ 20 Kaya dinala nila ito kay Jesus, pero nang makita siya ng espiritu, agad nitong pinangisay ang bata. Bumagsak ito sa lupa at nagpagulong-gulong, na bumubula ang bibig. 21 Tinanong ni Jesus ang ama: “Gaano katagal na itong nangyayari sa kaniya?” Sinabi ng ama: “Mula pa sa pagkabata, 22 at madalas siya nitong ihagis sa apoy at sa tubig para patayin siya. Pero kung may magagawa ka, maawa ka sa amin at tulungan mo kami.” 23 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Bakit mo sinasabing ‘Kung may magagawa ka’? Posible ang lahat ng bagay kung may pananampalataya ang isa.”+ 24 Agad na sumagot nang malakas ang ama ng bata: “May pananampalataya ako! Pero tulungan mo akong magkaroon ng mas malakas na pananampalataya!”+

      25 Nang mapansin ni Jesus na maraming tao ang nagmamadali papunta sa kanila, sinaway niya ang masamang* espiritu: “Espiritung pipi at bingi,* inuutusan kita, lumabas ka sa kaniya at huwag ka na uling papasok sa kaniya!”+ 26 Pagkatapos nitong sumigaw at mangisay nang maraming ulit, lumabas ito, at parang namatay ang bata, kaya karamihan sa mga tao ay nagsabi: “Patay na siya!” 27 Pero hinawakan ni Jesus sa kamay ang bata at ibinangon ito, at tumayo ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share