-
Mateo 11:21-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 “Kaawa-awa ka, Corazin! Kaawa-awa ka, Betsaida! dahil kung nakita ng mga lunsod ng Tiro at Sidon ang makapangyarihang mga gawa na nakita ninyo, matagal na sana silang nagsisi at nagsuot ng telang-sako at umupo sa abo.+ 22 Pero sinasabi ko sa inyo, mas magaan pa ang magiging parusa sa Tiro at Sidon sa Araw ng Paghuhukom kaysa sa inyo.+ 23 At ikaw, Capernaum,+ itataas ka kaya sa langit? Sa Libingan* ka ibababa;+ dahil kung nakita ng lunsod ng Sodoma ang makapangyarihang mga gawa na nakita mo, nanatili sana iyon hanggang sa mismong araw na ito.
-