Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 12:38-42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 Sinabi naman ng ilan sa mga eskriba at mga Pariseo: “Guro, gusto naming makakita ng isang tanda mula sa iyo.”+ 39 Sumagot si Jesus: “Ang napakasama at taksil* na henerasyong ito ay palaging naghahanap ng tanda, pero walang tandang ibibigay sa kanila maliban sa tanda ng propetang si Jonas.+ 40 Kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng napakalaking isda nang tatlong araw at tatlong gabi,+ ang Anak ng tao ay mananatili sa libingan nang tatlong araw at tatlong gabi.+ 41 Ang mga taga-Nineve ay bubuhaying muli sa paghuhukom kasama ng henerasyong ito at hahatulan nila ito, dahil nagsisi sila nang mangaral si Jonas.+ Pero higit pa kay Jonas ang narito.+ 42 Ang reyna ng timog ay bubuhaying muli sa paghuhukom kasama ng henerasyong ito at hahatulan niya ito, dahil naglakbay siya nang napakalayo para pakinggan ang karunungan ni Solomon.+ Pero higit pa kay Solomon ang narito.+

  • Mateo 16:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang napakasama at taksil* na henerasyong ito ay palaging naghahanap ng tanda, pero walang tandang ibibigay sa kanila+ maliban sa tanda ni Jonas.”+ Pagkatapos ay umalis siya at iniwan sila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share