19 Pero kapag dinala nila kayo roon, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo o kung paano ninyo ito sasabihin, dahil ipaaalam sa inyo ang sasabihin ninyo sa oras na iyon;+20 ang magsasalita ay hindi lang kayo, kundi ang espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.+
11 At kapag inaresto nila kayo para litisin, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo; kundi anuman ang ibigay sa inyo sa oras na iyon, iyon ang sabihin ninyo, dahil hindi kayo ang magsasalita, kundi ang banal na espiritu.+
14 Kaya huwag ninyong pag-isipan* nang patiuna kung paano kayo sasagot,+15 dahil bibigyan ko kayo ng karunungan at ipaaalam ko sa inyo ang sasabihin ninyo, na hindi malalabanan o matututulan ng lahat ng kumokontra sa inyo.+