-
Santiago 4:13-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa lunsod na ito at mananatili roon nang isang taon, at magnenegosyo kami at kikita,”+ 14 samantalang hindi ninyo alam ang magiging buhay ninyo bukas.+ Dahil kayo ay isang singaw na lumilitaw nang sandali at pagkatapos ay naglalaho.+ 15 Sa halip, dapat ninyong sabihin: “Kung kalooban ni Jehova,*+ mabubuhay kami at gagawin namin ito o iyon.” 16 Pero ngayon ay ipinagmamalaki ninyo ang inyong kayabangan. Ang lahat ng gayong pagyayabang ay masama.
-