-
1 Timoteo 6:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Sabihan* mo ang mayayaman sa sistemang* ito na huwag maging mayabang* at huwag umasa sa kayamanan na walang katiyakan+ kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng bagay na nagpapasaya sa atin.+ 18 Sabihan mo silang gumawa ng mabuti, oo, ng maraming mabubuting bagay, at maging mapagbigay at handang mamahagi.+ 19 Sa paggawa nito, makapag-iipon sila ng kayamanan na magsisilbing mahusay na pundasyon para sa hinaharap,+ nang sa gayon ay makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay.+
-