Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 6:25-30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Kaya sinasabi ko sa inyo: Huwag na kayong mag-alala+ kung ano ang kakainin o iinumin ninyo, o kung ano ang isusuot ninyo.+ Hindi ba mas mahalaga ang buhay* kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa pananamit?+ 26 Tingnan ninyong mabuti ang mga ibon sa langit;+ hindi sila nagtatanim o umaani o nagtitipon sa kamalig,* pero pinakakain sila ng inyong Ama sa langit. Hindi ba mas mahalaga kayo kaysa sa kanila? 27 Sino sa inyo ang makapagpapahaba nang kahit kaunti* sa buhay niya dahil sa pag-aalala?+ 28 At bakit kayo nag-aalala tungkol sa pananamit? Matuto kayo mula sa mga liryo* na tumutubo sa parang; hindi sila nagtatrabaho o nananahi; 29 pero sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon,+ sa kabila ng karangyaan niya, ay hindi nakapagdamit na gaya ng isa sa mga ito. 30 Kung ganito dinaramtan ng Diyos ang pananim, na nasa parang ngayon at bukas ay ihahagis sa pugon, hindi ba mas gugustuhin niyang damtan kayo, kayo na may maliit na pananampalataya?

  • Filipos 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay;+ sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share