-
Mateo 13:31, 32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Isa pang ilustrasyon ang sinabi niya sa kanila: “Ang Kaharian ng langit ay gaya ng binhi ng mustasa, na kinuha ng isang tao at itinanim sa kaniyang bukid.+ 32 Ito ang pinakamaliit sa lahat ng binhi, pero kapag tumubo na, ito ang pinakamalaki sa mga gulay at nagiging isang puno, kaya ang mga ibon sa langit ay dumadapo at sumisilong sa mga sanga nito.”
-
-
Marcos 4:30-32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 At sinabi pa niya: “Saan natin maikukumpara ang Kaharian ng Diyos, o anong ilustrasyon ang gagamitin natin para ipaliwanag ito? 31 Gaya ito ng binhi ng mustasa, na nang ihasik sa lupa ay pinakamaliit sa lahat ng binhi.+ 32 Pero kapag naihasik na ito, sumisibol ito at nagiging mas malaki kaysa sa lahat ng iba pang gulay at tinutubuan ng malalaking sanga, kaya ang mga ibon sa langit ay nakasisilong sa lilim nito.”
-