-
Mateo 21:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Nang malapit na sila sa Jerusalem at makarating sa Betfage sa Bundok ng mga Olibo, nagsugo si Jesus ng dalawang alagad.+ 2 Sinabi niya sa kanila: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at makakakita kayo agad ng isang asnong nakatali, kasama ang isang bisiro.* Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin sa akin. 3 Kung may magtanong sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kailangan ng Panginoon ang mga ito.’ At agad niyang ipadadala ang mga ito.”
-
-
Marcos 11:1-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at Betania+ sa Bundok ng mga Olibo, isinugo niya ang dalawa sa mga alagad niya+ 2 at sinabi sa kanila: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at pagdating doon, may makikita kayong isang bisiro* na nakatali at hindi pa nasasakyan ng sinuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 3 At kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo ginagawa iyan?’ sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon; ibabalik din ito kaagad.’” 4 Kaya umalis sila at nakita ang bisiro na nakatali sa harap ng pintuan ng isang bahay sa tabi ng daan, at kinalagan nila ito.+ 5 Pero tinanong sila ng ilang taong nakatayo roon: “Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?” 6 Sinabi nila sa mga ito ang sinabi ni Jesus, at hinayaan nila silang makaalis.
-