Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 17:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Paulit-ulit na nagbabala si Jehova sa Israel at Juda sa pamamagitan ng lahat ng propeta at ng bawat lingkod niyang nakakakita ng pangitain:+ “Tigilan na ninyo ang masasamang ginagawa ninyo!+ Sundin ninyo ang mga utos at tuntunin ko, ang lahat ng kautusang ibinigay ko sa mga ninuno ninyo at ipinaabot ko sa inyo sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta.” 14 Pero hindi sila nakinig, at nanatiling matigas ang ulo nila* gaya ng mga ninuno nila na hindi nanampalataya kay Jehova na kanilang Diyos.+

  • 2 Cronica 36:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.

  • Gawa 7:52
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 52 Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng mga ninuno ninyo?+ Oo, pinatay nila ang mga patiunang naghayag ng pagdating ng isa na matuwid,+ na pinagtaksilan ninyo ngayon at pinatay,+

  • Hebreo 11:36, 37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Oo, nasubok ang iba sa pamamagitan ng mga panghahamak at mga hagupit, at higit pa riyan, sa pamamagitan ng mga gapos+ at mga bilangguan.+ 37 Sila ay binato,+ sila ay sinubok, sila ay hinati ng lagari, sila ay pinatay sa pamamagitan ng espada,+ sila ay nagpagala-gala na nakasuot ng balat ng tupa,+ ng balat ng kambing, samantalang sila ay kapos, nahihirapan,+ pinagmamalupitan;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share