Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 22:23-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Nang araw na iyon, ang mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli,+ ay lumapit sa kaniya at nagtanong:+ 24 “Guro, sinabi ni Moises: ‘Kung mamatay ang isang lalaki nang walang anak, ang asawa niya ay pakakasalan ng kapatid niyang lalaki para magkaroon ng anak ang namatay na kapatid.’+ 25 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki dito sa amin. Ang una ay nag-asawa at namatay, at dahil hindi siya nagkaroon ng anak, naiwan ang asawa niya sa kapatid niyang lalaki. 26 Ganoon din ang nangyari sa ikalawa at sa ikatlo, hanggang sa ikapito. 27 Bandang huli, namatay rin ang babae. 28 Ngayon, dahil siya ay napangasawa nilang lahat, sino sa pito ang magiging asawa ng babae kapag binuhay silang muli?”

  • Marcos 12:18-23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ang mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli,+ ay lumapit sa kaniya at nagtanong:+ 19 “Guro, isinulat ni Moises na kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang asawa niya, pakakasalan ito ng kapatid niyang lalaki para magkaroon ng anak ang namatay na kapatid.+ 20 May pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa pero namatay nang walang anak. 21 Pinakasalan ng ikalawa ang biyuda, pero namatay ang lalaki nang walang anak, at ganoon din ang nangyari sa ikatlo. 22 At namatay ang pito nang walang anak. Bandang huli, namatay rin ang babae. 23 Dahil napangasawa niya ang pitong magkakapatid, sino sa kanila ang magiging asawa niya kapag binuhay silang muli?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share