-
Mateo 22:41-46Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
41 Ngayon habang magkakasama ang mga Pariseo, tinanong sila ni Jesus:+ 42 “Ano ang tingin ninyo sa Kristo? Kaninong anak siya?” Sumagot sila: “Kay David.”+ 43 Tinanong niya sila: “Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na Panginoon? Sinabi ni David udyok ng banal na espiritu:+ 44 ‘Sinabi ni Jehova* sa Panginoon ko: “Umupo ka sa kanan ko hanggang sa ilagay ko ang mga kaaway mo sa ilalim ng iyong mga paa.”’+ 45 Ngayon, kung tinatawag siya ni David na Panginoon, paano siya naging anak ni David?”+ 46 Walang isa mang nakasagot sa kaniya, at mula nang araw na iyon, wala nang naglakas-loob na magtanong pa sa kaniya.
-
-
Marcos 12:35-37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 Habang patuloy na nagtuturo si Jesus sa templo, sinabi niya: “Bakit sinasabi ng mga eskriba na ang Kristo ay anak ni David?+ 36 Sa pamamagitan ng banal na espiritu,+ sinabi mismo ni David, ‘Sinabi ni Jehova* sa Panginoon ko: “Umupo ka sa kanan ko hanggang sa ilagay ko ang mga kaaway mo sa ilalim ng iyong mga paa.”’+ 37 Si David mismo ay tumawag sa kaniya na Panginoon, kaya paano siya naging anak ni David?”+
Maraming tao ang nakikinig sa kaniya at nasisiyahan.
-