Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 21:45, 46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 45 Matapos marinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga ilustrasyon niya, nahalata nila na tungkol sa kanila ang sinasabi niya.+ 46 Gusto nilang dakpin siya, pero natatakot sila sa mga tao dahil propeta ang turing ng mga tao kay Jesus.+

  • Mateo 26:3-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Pagkatapos, nagtipon ang mga punong saserdote at ang matatandang lalaki ng bayan sa looban ng bahay ng mataas na saserdote, na nagngangalang Caifas,+ 4 at nagsabuwatan sila+ para madakip si Jesus sa tusong paraan at mapatay siya. 5 Pero sinasabi nila: “Huwag sa kapistahan. Baka magkagulo ang mga tao.”

  • Marcos 14:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Dalawang araw na lang at ipagdiriwang na ang Paskuwa+ at ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa.+ At ang mga punong saserdote at mga eskriba ay naghahanap ng tusong paraan para madakip si Jesus at mapatay;+ 2 dahil sinasabi nila: “Huwag sa kapistahan; baka magkagulo ang mga tao.”

  • Lucas 20:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Nahalata ng mga eskriba at mga punong saserdote na sila ang nasa isip ni Jesus nang sabihin niya ang ilustrasyong ito, kaya gusto nila siyang dakpin nang mismong oras na iyon; pero natatakot sila sa mga tao.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share