Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 26:27, 28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Matapos kumuha ng isang kopa, nagpasalamat siya sa Diyos at ibinigay niya sa kanila ang kopa at sinabi: “Uminom kayo mula rito, lahat kayo,+ 28 dahil sumasagisag ito sa aking ‘dugo+ para sa tipan,’+ na ibubuhos para mapatawad ang mga kasalanan ng marami.+

  • Marcos 14:23, 24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Matapos kumuha ng isang kopa, nagpasalamat siya sa Diyos, ibinigay niya sa kanila ang kopa, at uminom silang lahat mula rito.+ 24 At sinabi niya sa kanila: “Sumasagisag ito sa aking ‘dugo+ para sa tipan,’+ na ibubuhos alang-alang sa marami.+

  • 1 Corinto 11:23-25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Dahil ang itinuturo ko sa inyo ay galing sa Panginoon. Noong gabing+ pagtataksilan ang Panginoong Jesus, kumuha siya ng tinapay, 24 at nang makapagpasalamat, pinagpira-piraso niya ito at sinabi: “Sumasagisag ito sa aking katawan+ na ibibigay ko alang-alang sa inyo. Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”+ 25 Gayon din ang ginawa niya sa kopa+ pagkatapos nilang maghapunan. Sinabi niya: “Ang kopang ito ay sumasagisag sa bagong tipan+ na magkakabisa sa pamamagitan ng aking dugo.+ Patuloy ninyong gawin ito, at sa tuwing iinumin ninyo ito, alalahanin ninyo ako.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share