-
Lucas 9:46-48Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
46 Pagkatapos, nagtalo-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.*+ 47 Dahil alam ni Jesus ang laman ng puso nila, pinatayo niya sa tabi niya ang isang bata 48 at sinabi sa kanila: “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap din sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin.+ Dahil ang gumagawing gaya ng isang nakabababa sa gitna ninyong lahat ang talagang dakila.”+
-