Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 26:69-75
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 69 Nakaupo noon si Pedro sa looban, at isang alilang babae ang lumapit sa kaniya at nagsabi: “Kasama ka rin ni Jesus na taga-Galilea!”+ 70 Pero ikinaila niya ito sa harap ng lahat: “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” 71 Pagpunta niya sa may pintuan, isa pang babae ang nakapansin sa kaniya at nagsabi sa mga naroroon: “Ang taong ito ay kasama ni Jesus na Nazareno.”+ 72 Muli niya itong ikinaila at sumumpa siya: “Hindi ko kilala ang taong iyon!” 73 Mayamaya, ang mga nakatayo sa paligid ay lumapit kay Pedro at nagsabi: “Siguradong isa ka rin sa kanila. Halata sa pagsasalita mo.”* 74 Kaya sinabi ni Pedro na sumpain nawa siya kung nagsisinungaling siya. At sumumpa siya: “Hindi ko kilala ang taong iyon!” At agad na tumilaok ang tandang. 75 At naalaala ni Pedro ang sinabi ni Jesus: “Bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako nang tatlong ulit.”+ At lumabas siya at humagulgol.

  • Marcos 14:66-72
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 66 Habang si Pedro ay nasa ibaba sa looban, dumating ang isa sa mga alilang babae ng mataas na saserdote.+ 67 Pagkakita kay Pedro na nagpapainit, tumitig ang babae sa kaniya at nagsabi: “Kasama ka rin ng Nazareno, ng Jesus na iyon.” 68 Pero ikinaila niya ito: “Hindi ko siya kilala at hindi ko alam ang sinasabi mo.” At pumunta siya sa may labasan. 69 Nakita siya roon ng alilang babae at sinabi nito sa mga nakatayo roon: “Isa siya sa kanila.” 70 Muli niya itong ikinaila. Mayamaya, ang mga nakatayo roon ay muling nagsabi kay Pedro: “Siguradong isa ka sa kanila, dahil taga-Galilea ka.” 71 Pero sinabi ni Pedro na sumpain nawa siya kung nagsisinungaling siya. At sumumpa siya: “Hindi ko kilala ang taong sinasabi ninyo!” 72 Agad na tumilaok ang tandang sa ikalawang pagkakataon,+ at naalaala ni Pedro ang sinabi ni Jesus sa kaniya: “Bago tumilaok ang tandang nang dalawang beses, ikakaila mo ako nang tatlong ulit.”+ At nanlupaypay siya at humagulgol.

  • Juan 18:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Malamig noon, kaya nagpaningas ng apoy ang mga alipin at mga sundalo at tumayo sa paligid nito para magpainit. Si Pedro ay nakatayo ring kasama nila at nagpapainit.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share