31 Sinabi pa ni Jesus sa mga Judio na naniwala sa kaniya: “Kung lagi ninyong susundin ang aking salita,* kayo ay talagang mga alagad ko, 32 at malalaman ninyo ang katotohanan,+ at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.”+
37 Kaya sinabi ni Pilato: “Kung gayon, hari ka nga ba?” Sumagot si Jesus: “Ikaw mismo ang nagsasabi na ako ay hari.+ Ipinanganak ako at dumating sa sanlibutan para magpatotoo tungkol sa katotohanan.+ Bawat isa na nasa panig ng katotohanan ay nakikinig sa tinig ko.”