18 “‘Huwag kang maghihiganti+ o magkikimkim ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan, at dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.+ Ako si Jehova.
9 Pero kung tungkol naman sa pag-ibig sa mga kapatid,+ hindi na namin ito kailangang isulat sa inyo, dahil tinuruan na kayo ng Diyos na mahalin ang isa’t isa.+
8 Ngayon, kung patuloy ninyong tinutupad ang dakilang kautusan ng Hari ayon sa kasulatan, “Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili,”+ mabuti naman ang ginagawa ninyo.
22 Ngayong dinalisay na ninyo ang sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan na ang resulta ay di-mapagkunwaring pagmamahal sa kapatid,+ masidhi ninyong ibigin ang isa’t isa mula sa puso.+