11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig dahil nagsisisi kayo.+ Pero ang dumarating na kasunod ko ay mas malakas kaysa sa akin, at hindi man lang ako karapat-dapat na mag-alis ng sandalyas niya.+ Ang isang iyon ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng banal na espiritu+ at ng apoy.+
45 At namangha ang mga tuling mananampalataya* na kasama ni Pedro, dahil ibinubuhos din sa mga tao ng ibang mga bansa ang walang-bayad na regalo ng Diyos, ang banal na espiritu.
5 Pagkarinig nito, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6 Nang ipatong ni Pablo sa kanila ang mga kamay niya, ang banal na espiritu ay bumaba sa kanila,+ at nagsimula silang magsalita ng iba’t ibang wika at manghula.+