Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 4:29, 30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 At ngayon, Jehova,* bigyang-pansin mo ang mga banta nila, at tulungan mo ang iyong mga alipin na patuloy na ihayag ang iyong salita nang walang takot, 30 at patuloy mong gamitin ang iyong kapangyarihan para magpagaling at gumawa ng mga tanda at kamangha-manghang mga bagay*+ sa pamamagitan ng pangalan ng iyong banal na lingkod na si Jesus.”+

  • Gawa 6:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At si Esteban, na talagang kalugod-lugod sa Diyos at puspos ng kapangyarihan, ay nagsasagawa ng kamangha-manghang mga bagay* at mga tanda sa gitna ng mga tao.

  • Gawa 14:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Kaya mahaba-habang panahon silang nanatili roon at lakas-loob na nagsalita dahil sa awtoridad na ibinigay ni Jehova.* Binigyan niya sila ng kapangyarihang gumawa ng mga tanda at kamangha-manghang mga bagay* bilang patotoo sa mensahe ng kaniyang walang-kapantay na kabaitan.+

  • Gawa 15:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kaya natahimik ang buong grupo, at nakinig ang mga ito kina Bernabe at Pablo habang ikinukuwento nila ang maraming tanda at kamangha-manghang bagay* na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila sa gitna ng ibang mga bansa.

  • Roma 15:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Wala akong ibang sasabihin maliban sa mga bagay na ginawa ni Kristo sa pamamagitan ko para maging masunurin ang ibang mga bansa. Naisagawa niya ito sa pamamagitan ng aking salita at gawa, 19 ng mga tanda at kamangha-manghang mga bagay,*+ at ng kapangyarihan ng espiritu ng Diyos. At dahil dito, lubusan kong naipangaral sa Jerusalem ang mabuting balita tungkol sa Kristo+ at lumibot ako hanggang sa Ilirico.

  • 2 Corinto 12:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ang totoo, nakita ninyo sa akin ang mga palatandaan ng isang apostol: may matinding pagtitiis*+ at nagsasagawa ng mga tanda, kamangha-manghang mga bagay,* at makapangyarihang mga gawa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share