Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 2:11-15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Nang mga panahong iyon, nang maging adulto na si Moises,* lumabas siya para malaman kung gaano kabigat ang trabahong ipinagagawa sa mga kapatid niyang Hebreo,+ at nakita niya ang isang Ehipsiyo na sinasaktan ang isa sa mga ito. 12 Kaya tumingin siya sa paligid, at nang makita niyang walang tao, pinatay niya ang Ehipsiyo at ibinaon sa buhanginan.+

      13 Pero kinabukasan, lumabas ulit siya at nakita ang dalawang lalaking Hebreo na nag-aaway. Kaya sinabi niya sa may kasalanan: “Bakit mo sinasaktan ang kasama mo?”+ 14 Sumagot ito: “Sino ang nag-atas sa iyo na maging prinsipe at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako gaya ng ginawa mo sa Ehipsiyo?”+ Kaya natakot si Moises at nagsabi: “Alam na nila!”

      15 Nabalitaan ito ng Paraon, at tinangka niyang patayin si Moises; pero tumakas si Moises sa Paraon at pumunta sa Midian.+ Umupo siya doon sa tabi ng isang balon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share