-
Mateo 27:5-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Kaya inihagis niya sa templo ang mga piraso ng pilak. Pagkatapos, umalis siya at nagbigti.+ 6 Pero kinuha ng mga punong saserdote ang mga piraso ng pilak at sinabi: “Hindi tamang ihulog ang mga iyon sa sagradong kabang-yaman, dahil ang mga iyon ay halaga ng dugo.”* 7 Matapos mag-usap-usap, ang pera ay ipinambili nila ng bukid ng magpapalayok para gawing libingan ng mga tagaibang bayan. 8 Kaya ang bukid na iyon ay tinatawag na Bukid ng Dugo+ hanggang ngayon.
-