Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 20:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 At ngayon, dahil itinutulak* ako ng espiritu, pupunta ako sa Jerusalem, kahit hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. 23 Ang alam ko lang, pagkabilanggo at mga kapighatian ang naghihintay sa akin, gaya ng paulit-ulit na sinasabi sa akin ng banal na espiritu sa bawat lunsod.+

  • Gawa 21:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At pinuntahan niya kami, kinuha ang sinturon ni Pablo, at iginapos ang mga paa at kamay niya at sinabi: “Ganito ang sabi ng banal na espiritu, ‘Ang lalaking may-ari ng sinturong ito ay igagapos sa ganitong paraan ng mga Judio sa Jerusalem,+ at ibibigay nila siya sa kamay ng mga tao ng ibang mga bansa.’”+

  • 2 Corinto 11:23-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Lingkod ba sila ni Kristo? Sasagot akong gaya ng isang baliw, di-hamak na nakahihigit ako sa kanila: mas marami akong ginawa,+ mas madalas akong nabilanggo,+ napakaraming hampas ang tiniis ko, at maraming beses akong nalagay sa bingit ng kamatayan.+ 24 Limang beses akong tumanggap sa mga Judio ng 40 hampas na kulang ng isa,+ 25 tatlong beses akong pinaghahampas,+ minsan akong pinagbabato,+ tatlong beses na nawasak ang barkong sinasakyan ko,+ at isang gabi at isang araw akong nasa gitna ng dagat; 26 sa madalas kong paglalakbay, ilang beses akong nanganib sa mga ilog, sa mga magnanakaw, sa mga kalahi ko,+ sa ibang mga bansa,+ sa lunsod,+ sa ilang, sa dagat, at sa gitna ng nagkukunwaring mga kapatid; 27 nagtrabaho rin ako nang mabigat at nagpakahirap, maraming beses akong hindi makatulog sa gabi,+ nagutom ako at nauhaw,+ madalas akong walang pagkain,+ at gininaw ako at walang maisuot.*

      28 Bukod sa lahat ng paghihirap na iyon, araw-araw rin akong nag-aalala para sa lahat ng kongregasyon.+

  • Colosas 1:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Nagsasaya ako ngayon sa mga paghihirap ko para sa inyo,+ at nagdurusa akong gaya ni Kristo, pero kulang pa ang pagdurusa ko para sa kaniyang katawan,+ ang kongregasyon.+

  • 2 Timoteo 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kaya naman pinagdurusahan ko rin ang mga bagay na ito,+ pero hindi ako nahihiya.+ Dahil kilala ko kung sino ang pinaniniwalaan ko, at nagtitiwala akong kaya niyang bantayan hanggang sa araw na iyon ang ipinagkatiwala ko sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share