24 sinabi niya: “Umalis na kayo, dahil hindi namatay ang bata. Natutulog lang siya.”+ At pinagtawanan siya ng mga tao. 25 Nang mapalabas na ang mga tao, lumapit siya sa bata at hinawakan ang kamay nito,+ at bumangon ang bata.+
14 Kaya lumapit siya at hinipo ang hinihigaan ng patay, at huminto ang mga tagabuhat nito. Pagkatapos, sinabi niya: “Lalaki, inuutusan kita, bumangon ka!”+15 Umupo ang taong patay at nagsalita, at ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.+
43 Pagkasabi nito, sumigaw siya: “Lazaro, lumabas ka!”+44 At lumabas ang taong namatay, na nababalutan ng tela ang mga paa at kamay, pati ang mukha. Sinabi ni Jesus: “Alisin ninyo ang nakabalot sa kaniya para makalakad siya.”