-
Gawa 14:12-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 At tinawag nilang Zeus si Bernabe, pero Hermes naman si Pablo, dahil siya ang nangunguna sa pagsasalita. 13 At ang saserdote ni Zeus, na ang templo ay nasa pasukan ng lunsod, ay nagdala ng mga toro at mga putong* sa mga pintuang-daan at gustong maghandog kasama ng mga tao.
14 Pero nang malaman ito ng mga apostol na sina Bernabe at Pablo, pinunit nila ang damit nila at tumakbo papunta sa mga tao. Sumigaw sila: 15 “Bakit ninyo ginagawa ito? Mga tao lang din kami na may mga kahinaang gaya ninyo.+ At inihahayag namin sa inyo ang mabuting balita para iwan ninyo ang walang-kabuluhang mga bagay na ito at bumaling sa Diyos na buháy, na gumawa ng langit at lupa at dagat at lahat ng naroon.+
-
-
Apocalipsis 22:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Ako, si Juan, ang nakarinig at nakakita sa mga ito. Nang marinig ko at makita ang mga ito, sumubsob ako para sumamba sa paanan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. 9 Pero sinabi niya sa akin: “Mag-ingat ka! Huwag mong gawin iyan! Isa lang akong alipin gaya mo at ng mga kapatid mong mga propeta at ng mga sumusunod sa mga salita sa balumbong ito. Ang Diyos ang sambahin mo.”+
-